WebClick Tracer

Expelled Cong. Barzaga kinutya ang yumaong si Batanes Rep. Gato

Muling tumirada si expelled Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga at sa pagkakataong ito ay tila kinutya nito si Batanes Rep. Circiaro Gato Jr., na pumanaw noong Setyembre 21.

“Nakakaawa si Batanes Congressman Gato eh, inexpel niya ako sa Kongreso, pero asan na siya ngayon?….Patay! Habang ako chill lang, swimming lang dito sa China kasama mga eabab ko nyahahahaha,” ayon sa social media post ni Barzaga at idinagdag ang “God Bless the Filipino People!”

Si Gato na kinatawan ng lone district at chairman ng House committee on health at miyembro ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) ay nakatakdang bigyan ng necrological service, bukas, Biyernes sa Kamara.

Unang nagpahayag ng kalungkutan at pakikiramay ang liderato ng Kamara sa biglang pagpanaw ni Gato.

Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi iginalang ni Barzaga ang pagpanaw ng isang miyembro ng Kamara dahil ginawa niya ito noong pumanaw si dating Antipolo Rep. Romeo Acop na dati niyang kasamahan sa National Unity Party (NUP).

“Corruption and plunder against the Filipino people is a sin against the Lord! Congressman Romeo Acop is now suffering through eternal damnation, he has left the comfort of his luxurious mansion in exchange for a pit eternal hellfire, that is the fate of all corrupt politicians!,” ayon sa post ni Barzaga noong December 30, 2025 habang nakaburol ang mambabatas.

Dahil dito,muling inereklamo ng mga miyembro ng NUP si Barzaga sa House committee on ethics ang privileges na kalaunan ay sinibak bilang miyembro ng Kamara sa botong 265 pabor, 14 ang kontrata at 8 abstention noong June 2, 2026, matapos ang dalawang beses na pagsuspinde sa kanya dahil kanyang inaasal sa loob at labas ng Kongreso.

Noong July 29, 2026 ay nagpatawag ng special elections sa 4th District ng Cavite kung saan nananalo ang ina ni Barzaga na si Jenny Barzaga. (Bernard Taguinod)