WebClick Tracer

Dahil sa selos? Kelot nasagip sa imburnal sa Quezon City

Nasagip ang isang lalaki matapos umanong ma-trap sa isang imburnal sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Ayon sa Barangay Tatalon, sinabi umano ng lalaki nakita niya ang kanyang asawa na may kasamang ibang lalaki.

Hinabol pa umano siya ng naturang lalaki kaya sa kanyang taranta ay napatalon siya mula sa isang tulay patungo sa ilog at napadpad sa imburnal.

Agad na ini-report sa barangay ang insidente at nagtungo ang mga responder sa lugar upang hanapin at tulungan ang lalaki.

Sa tulong ng mga responder at Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), matagumpay na nailigtas ang lalaki. (AC)