Inalmahan ng dating aktres at OPM singer na si Carol Banawa ang hanash ng netizen kaugnay sa natanggap niyang award bilang Most Outstanding Pinoy Migrant Artist Worker in Performing Arts, Health and Community Service, mula sa 2026 Global Migrant Awards sa US.
Isa nang family nurse practitioner si Banawa sa United States.
Naging sensitive si Carol sa tila patutsada ng netizen na hindi niya deserve ang award dahil mas may karapatan daw ang ibang mga Pilipino.
“Kilala kasi sya kaya kanya na award. Honestly, mas maraming deserving sa kanya,” sey ng basher.
Sinagot naman ito ni Carol sa kanyang Threads post.
“Gusto ko lang po linawin na hindi lang po ako ang nakatanggap ng award. Marami rin pong ibang Pilipino galing sa iba’t-ibang parte ng US, Saudi at iba pang lugar ang tumanggap ng parangal.
“Alam ko po na marami pa pong ibang mas deserving pa na Pilipino. Kaya nga po ako taos pusong nagpapasalamat…”
Mababasa sa screenshot ng comment ng basher ang pag talak ng isa netizen para ipagtanggol si Carol.
“Pwede ka po mag-reklamo sa Supreme Court.”
In-acknowledge naman ito ni Carol, sa pasimple nyang pitik sa basher.
Sey nya, “Pero Ms Danica Joy napasaya mo ako sa sagot mo sa isa pang Kapwa Pilipino, Salamat…hehehe.”
Matagal nang naninirahan si Carol sa Amerika. Naging Certified Nursing Assistant na ito, licensed Practical Nurse hanggang sa maging Registered Nurse at ngayon ay Family Nurse Practicioner.
Lumalabas din si Carol sa ilang Pinoy films na kinukunan sa US, at sa sunday musical show ng Ignacia network.
Kaya deserved nitong mabigyan ng nasabing award. (Rey Pumaloy)


