WebClick Tracer

Ban sa Discord binawi na

Inalis na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ipinataw na ban sa social media platform na Discord.

Ito ang kinumpirma ni DICT Secretary Henry Aguda sa press conference habang nasa Kamara para sa deliberasyon ng kanilang budget na isinantabi noong nakaraang linggo dahil walang magawa ang mga ito sa mga karahasan at fake news.

“Natapos po ‘yung aming opisyal na pag-usap with Discord. Inaalis na natin ang ban na ipinatupad ng ating pamahalaan, simula kahapon sa online platform na Discord. Ito po ay matapos ang successful negotiations namin sa kanila, aning kanina lang,” ani Aguda.

Ayon kay Aguda, naglatag ang Discord ng mga commitment bilang tugon aniya sa seryosong concern ng gobyrno ukol sa nihilistic, violent, extremism, NDE, grooming at radicalization ng mga kabataan Pilipino na nagaganap sa kanilang platform at iba pang banta sa online safety kabilang ang mga karahasang nangyari sa mga paralan.

“Nakipagugnay po ang Discord sa atin, sa DICT at CICC at nangakong magsasagawa sila immediately po ng mga hakbang upang higit na makpalakas ang protection ng mga kabataan,” ani Aguda.

“Ibinahagi rin po sa atin ng Discord na alam nila ang mga pangyayari na nagaganap sa platform nila called NDE and they also recognize and acknowledge na meron niyang kailangan ayusin at meron kailangan pahigpitan sa kanilang mga polisiya,” ani Aguda. (Bernard Taguinod)