WebClick Tracer

Bagyong Queenie pumasok na sa PAR

Mapa ng PAGASA na nagpapakita ng pagpasok ng Bagyong Queenie sa Philippine Area of Responsibility.

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical storm na may international name na Surigae at binigyan ng lokal na pangalan na “Queenie”.

Ayon sa PAGASA, pumasok sa PAR ang Bagyong Queenie bandang alas-7 ng umaga nitong Huwebes, Setyembre 24.

Maglalabas ang PAGASA ng unang Tropical Cyclone Bulletin para kay Queenie simula alas-11 ng umaga.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga susunod na update at abiso ng DOST-PAGASA. (AM)