Wala pa mang kumpirmasyon tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, pumutok naman ngayon ang tsikang hiwalay na sina Atasha Muhlach at Jacob Ang.
Ayon ito sa source ng Abante. Gayunman, wala pa ring kumpirmasyon mula kina Atasha at Jacob tungkol sa umano’y hiwalayan nila.
Sa ngayon, nananatiling tikom ang bibig ng magkabilang panig.
Si Atasha ay anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales habang si Jacob ay anak ng bilyonaryong si Ramon Ang.
Madalas makitang magkasama sina Atasha at Jacob sa iba’t ibang pagtitipon ng kani-kanilang pamilya.
Kamakailan lang nang makitang kasama si Jacob ng pamilya Muhlach sa mga family dinner at maging sa kanilang bakasyon sa Japan.
Dumalo naman si Atasha sa kasal ng kapatid na babae ni Jacob at nakitang magkasama ang dalawa sa reception. (IS)


