May 40 Pilipinong seafarer na sakay ang Panama-flagged bulk carrier na First Margaux na bumangga sa isang Chinese fishing vessel sa Singapore Strait noong Setyembre 17, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay DMW Secretary Hans Cacdac sa sidelines ng Philippine Maritime Convention 2026, walang naiulat na nasugatan sa mga Pilipinong seafarer na sakay ng naturang barko.
Patuloy umano ang pangangalap ng impormasyon tungkol sa licensed manning agency, ngunit tiniyak ni Cacdac na natukoy na ang pagkakakilanlan ng lahat ng 40 seafarer.
Samantala, iniimbestigahan din ng mga awtoridad ng Singapore ang insidente. (AC)


