Humigit-kumulang tatlong toneladang seaweed seedlings at planting materials ang ipinamahagi sa tatlong organisasyon ng mga mangingisda sa Panukulan at Polillo, Quezon, para mapalakas ang kanilang produksyon at kabuhayan.
Isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist–Fisheries Division ang pamamahagi noong September 18 hanggang 19 bilang bahagi ng Aquaculture Productivity Enhancement Program
Layunin ng programa na mabigyan ang mga fisherfolk organization ng karagdagang production inputs para mapalawak ang seaweed farming at madagdagan ang kanilang oportunidad na kumita mula sa aquaculture.
Inaasahang makatutulong ang de-kalidad na planting materials sa pagpapaunlad ng produksyon at pagpapatatag ng livelihood activities ng mga benepisyaryong samahan.
Bahagi ito ng patuloy na programa ng OPA–Fisheries Division na nakatuon sa sustainable aquaculture, pagpapataas ng produktibidad at pagpapalakas ng kabuhayan ng mga mangingisda sa Quezon. (Ronilo Dagos)


