Umabot sa 14,146 ang pumasa sa Psychometrician Licensure Examination (PmLE), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Ayon sa PRC, katumbas nito ang 91.72% pasado sa 15,423 kabuuang bilang ng mga indibidwal na kumuha ng licensure exam nitong Setyembre 2026.
Itinuturing itong pinakamataas na national passing rate sa kasaysayan ng PmLE mula nang unang isagawa ang licensure exam noong 2014.
Nalampasan umano nito ang dating record na 86.98% na naitala noong September 2025, nang 12,416 sa 14,275 examinees ang pumasa.
Nanguna naman sa PmLE sina John Jefferson Albes Aguila ng University of Rizal System-Morong, Caithlin Joy Garaña De Los Santos ng Bicol University-Daraga, Joannah Patricia Lising Palado ng Ateneo de Manila University-Quezon City, at Kobe Andrei Caparida Rufo ng Trinity University of Asia (Trinity-Quezon City) na nakakuha ng 94.40% rating. (AM)


