Tumestigo si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa paglilitis sa kasong graft laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at iba pang akusado.
Dumating si Dizon nitong Miyerkoles, Setyembre 23, sa Sandiganbayan para sa paglilitis kaugnay ng P289.4 milyong Sunwest project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Aniya, nagsagawa siya ng inspeksyon sa proyekto noong Setyembre 2025, kung saan natuklasan niyang ang road dike ay may 3-meter steel sheet pile (SSP) lamang, kumpara sa 12-meter na kinakailangan.
“Talagang kitang-kita mo yung kababuyan na ginawa nila dito,” anang kalihim. “Whatever it takes to truly prove the guilt of those charged, including former congressman Zaldy Co, we will do it.” (AM)


