Magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Miyerkoles, Setyembre 23, ang trough ng isang tropical depression na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Ayon sa PAGASA, magdadala ito ng kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, Davao Oriental, Misamis Oriental, at Camiguin.
Huling namataan ang tropical depression sa layong 1,920 kilometro silangan ng southern Luzon.
Inaasahan naman itong papasok ito sa PAR ngayong linggo at papangalanang “Queenie”.
Samantala, mararanasan ang isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms sa natitirang bahagi ng bansa. (AM)


