WebClick Tracer

Taylor Swift inanunsyo bagong single na ‘Patient Zero’

Si Taylor Swift habang inaanunsyo ang kanyang bagong single na Patient Zero sa Instagram.

May bagong aabangan ang mga tagahanga ni Taylor Swift!

Inanunsyo ng American pop star nitong Miyerkoles, oras sa Pilipinas, ang kanyang bagong single na “Patient Zero.”

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Taylor ang balita kasama ang isang larawan kung saan makikita siyang nakasuot ng black halter top habang nakasandal sa pader.

“I’ve been impatiently waiting to tell you that my brand new single ‘Patient Zero’ will be out on September 25,” caption ni Taylor sa post.

Ito ang unang bagong kanta ng singer mula nang ikasal siya kay NFL star Travis Kelce noong Hunyo sa isang intimate garden setup sa loob ng Madison Square Garden sa New York City.

Samantala, ang pinakabagong album ni Taylor na “The Life of a Showgirl” ay inilabas noong Oktubre 2025 at tampok dito ang mga kantang “Elizabeth Taylor,” “Opalite” at “The Fate of Ophelia.” (AC)