WebClick Tracer

Sasakyang may plakang ‘8’, naispatang ginamit pangsundo sa airport ng Chinese

Namataan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang itim na SUV na gumagamit ng plakang may numerong “8” na para lamang sa mga miyembro ng Kamara o congressman.

Batay sa video na nakuha ng Abante, ginamit ang naturang sasakyan na pangsundo sa paliparan ng mga indibidwal na may itsurang Chinese.

Matagal na umanong ginagamit ng Chinese looking ang sasakyan na ito.