WebClick Tracer

Reddit, Discord magtatayo ng opisina sa ‘Pinas

Pumayag ang online platforms na Reddit at Discord na magtayo ng kani-kanilang opisina sa Pilipinas para mas mapadali ang koordinasyon nila sa mga awtoridad.

Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Agency (CICC), nakipagkasundo ang dalawang tech company na sumunod sa direktiba nitong magkaroon ng opisina sa bansa.

Sinabi ni CICC Executive Director Aboy Paraiso na ginawa ng Reddit at Discord ang commitment sa isang virtual meeting kasama ang ahensiya.

“Reddit and (Discord) agreed to setup their office here but it will take time. Meantime, company representatives or point person will be available anytime for faster coordination,” saad ni Paraiso, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Matatandaang binigyan ng CICC ang Reddit at Discord ng 24 na oras upang mag-set up ng kani-kanilang opisina sa bansa.

Ang hakbang ay kasunod ng ikatlong insidente ng pamamaril ng estudyante sa isang paaralan sa South Cotabato kamakailan. (IS)