WebClick Tracer

Prosecution team hindi nagulat sa P168M ayuda ng OVP na pinuna ng COA

Hindi na umano nagulat ang prosecution team sa panibagong problema ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) na nag-flag down sa P168 milyon na ayuda na ipinamigay ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte noong 2025.

“Well ang masasabi ko lang yan, very consistent ang OVP sa ganyang klaseng ano, parang suki ng COA adverse findings. So they have really to explain,” pahayag prosecution spokesman Robert Ace Barbers.

Base sa mga report, pinuna ng COA ang OVP hinggil sa relief operations na ginawa umano ng mga ito noong 2025 na ginastusan ng P168 milyon dahil sa kulang kulang na dokumento at hindi tugmang impormasyon at hindi pagsunod sa panuntunan.

Maging si prosecution spokesman at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ay hindi na rin nagulat dahil wala umanong ipinagkaiba ito sa confidential funds ng pangalawang pangulo kuwestiyonable ang paggastos kaya naisama ito sa article of impeachment.

“So I think, above the legal and technical and adverse findings ng COA, this also speaks about pattern of behavior eh. Nakikita natin, I think the pattern is being established when there’s a sense of impunity that I guess glaring display of the mindset that sense of untouchability,” ni Adiong.

“That nobody can actually call them out, that they are above the law and yung feeling of being untouchable is what makes this apparent similarity is very glaring. Ganun yung nakikita natin na attitude and behavior,” dagdag pa ni Adiong.

Iginiit naman ni Barbers na dapat alamin ng COA kung sino ang mga beneficiaries sa ayuda o relief operations ng OVP na kinuwestiyon ng komisyon dahil baka may kapapangalan aniya sina Mary Grace Piattos.

Ipinaliwanag ng mambabatas na pera ng taumbayan ito kaya nararapat lamang na alamin ng COA kung sino ang mga nakibang, saan-saang lugar isinagawa ang relief operation at iba pang detalye

“All these details have to be reported so that it will answer these adverse findings ng COA.

But absent all these justifications, talaga may question mark. Kaya nga baka magulat ka dahil ang tumanggap ng ayuda dyan ay Mary Grace Piattos ulit o hindi kaya si Niko Harina.Mahirap naman baka yun sila ulit, suki na sila kung ganun,” dagdag pa ni Barbers. (Bernard Taguinod)