WebClick Tracer

‘Pinoy smile’ nagpagaan sa biyahe ni FL Liza Marcos

Naging mas magaan umano ang mahabang biyahe ni First Lady Liza Marcos mula Manila patungong Los Angeles at New York sa Amerika dahil sa mga kababayang Pinoy na kanyang nakasalubong.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni FL Liza na masaya siyang makakita ng mga pamilyar na mukha ng mga Pilipino habang nasa biyahe.

“The Manila-LAX-NY journey may have been a long one, but seeing so many of our always happy to stop for a quick

kababayans along the way made the miles feel a little lighter,” aniya.

Naglaan din umano siya ng oras para makipagkuwentuhan at makapag-selfie kasama ang ilang kababayang Pinoy.

Nagpasalamat din ang First Lady sa cabin crew na aniya ay maayos na nag-alaga sa kanila at nagbigay ng komportableng biyahe.

Para kay FL Liza, walang katulad ang makakita ng pamilyar na ngiti ng kapwa Pilipino kahit libo-libong milya ang layo sa Pilipinas. (IS)