WebClick Tracer

PBBM wala pang desisyon sa pagpapaliban ng 2026 BSKE

Wala pa umanong desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.

“Wala pa. Wala pa sa akin,” ayon kay Marcos nitong Miyerkoles, kung saan hindi pa umano sa kanya nakakarating ang panukala.

Ang pahayag ay sa gitna ng mga ulat na inaasahang pagpirma ng pangulo sa panukalang batas na magpapalawig sa termino ng mga barangay at SK officials mula apat na taon tungo sa limang taon.

Sa Senate version ng panukala, ang BSKE na nakatakda sa Nobyembre 2, 2026 ay ililipat sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028 at isasagawa kada limang taon pagkatapos nito. (AM)