WebClick Tracer

PBBM ininspeksyon patuloy na konstruksyon ng Metro Manila Subway Project

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project sa Quezon Avenue Station.

Personal na binisita at ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na konstruksyon ng Metro Manila Subway Project sa bahagi ng Quezon Avenue Station sa Quezon City.

Ayon sa Department of Transportation, kumpleto na ang pagbutas ng tunnel boring machine mula sa South bound ng North Avenue station hanggang sa Quezon Avenue Station, at may haba itong 1.13 kilometers at lalim na 34 meters o katumbas ng halos apat na palapag ng bahay.

Ang Metro Manila Subway Project ay mayroong 17 stations at inaasahang magpapabilis ng biyahe mula East Valenzuela hanggang sa Bicutan station sa Taguig.

Sa sandaling matapos ang proyekto sa huling quarter ng 2031 ay inaasahang makikinabang dito ang kalahating milyong commuters.

Mula sa biyaheng halos dalawang oras na biyahe, iikli ito ng 30-40 minutos na lamang sa sandaling matapos ang proyekto. (Aileen Taliping)