WebClick Tracer

Patuloy na pagkolekta sa excise tax sa panahon ng krisis pinuna ni Tiangco

Hindi nagustuhan ni Navotas Rep. Toby Tiangco na habang bumibigat ang buhay ng mga tao dahil sa mataas na presyo ng langis ay kumikita pa ang gobyerno sa pinagdadaanang ito ng mamamayan.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil hindi pa ipinapatupad ang Republic Act (RA) 12316 na nagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo na suspendehin ang excise tax kapag pumalo sa $80 ang presyo ng langis sa world market.

“Kung may panahon para bawasan ang buwis sa langis, ngayon iyon. Government should not be earning more simply because Filipino families are being forced to pay more for fuel,” pahayag ng mambabatas.

Ayon kay Tiangco, umabot na sa P18.31 kada litro ang itinaas ng presyo ng diesel sa nakaraang tatlong linggo matapos muling magpatupad ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis nitong Marte, September 22, 2026.

Nadagdagan din ng P15.25 ang kada litro ng gasolina habang P16.67 naman sa kerosene sa nakaraang tatlong linggoa kaya lalong bumibigat aniya ang kalagayan ng mamamayang Pilipino.

“Hindi na maliit na adjustment ito. Ramdam na ramdam na ito sa bulsa ng bawat Pilipino. Kapag mahal ang diesel at gasolina, hindi lang motorista ang tinatamaan—tumataas ang gastos sa pamasahe, pagkain, delivery at halos lahat ng bilihin,” ani Tiangco.

Gayunpaman, ayaw pang kumilos aniya ng gobyerno na gamitin ang nasabing batas para suspendehin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo upang maibsan ang epekto ng oil price increase na ito.

Kasabay nito, sinabi ni Tiangco na lalong dapat ipaglaban ang transparency at accountability sa pambansang pondo upang magamit ng maayos ang bawat sentino para sa mga tao at hindi pahirapan sa ganitong krisis.

“Kaya natin ipinaglalaban ang transparency at accountability sa budget dahil bawat pisong nasasayang o nananakaw ay pisong hindi napupunta sa taong nangangailangan. An efficient and hardworking budget gives government room to give more back to the people,” ani Tiangco.

Naniniwala ang mambabatas na kung hindi nananakaw ang pondo ng bayan ay hindi kailangang ang karagdagang buwis o ipagpatuloy ang pagkolekta kapag naghihirap ang mamamayan tulad ngayong nagkakaroon ng krisis sa langis sa world market.

“Sa panahon na hirap ang tao, ang budget ng gobyerno ang dapat magtrabaho nang mas mabigat—hindi ang mamamayan,” ani Tiangco. (Bernard Tagu