WebClick Tracer

Panganay nina Vic Sotto, Pauleen Luna pinupuri sa kagandahan

Kung dati nilalait sa kanyang itsura ang paslit pa noon na panganay nina Vic Sotto at Pauleen Luna, ngayon naman kaliwa’t kanan na ang papuri sa ganda ng bata.

Mababasa ang comment ng mga netizen na humahanga kay Tali sa kanyang itsura.

Nakabalandra ang dalawang half body photo ni Tali sa IG post ni Paueen.

Ibinida ni Paullen ang bagong achievement ng anak, bilang kasama ito sa isang concert.

Makikita ang kagandang ni Tali sa ayos nitong walang make up, naka-banat ang buhok at nakalabas ang pantay-pantay nitong ngipin sa wagas na pagkakangiti.

Reaksyon nga ng marami:

“Growing prettier day by day si Tali.”

“Beautiful tali.”

“Pretty.”

“She is getting prettier as she gets older.”

“Cute cute naman dalaga na si ate Tali.”

“Napakagandang bata.”

“Pretty tali beautiful eyes.”

Naging sentro ng panlalait si Tali noong maliit pa lang ito dahil sa sinasabing wala itong nakuhang itsura sa kanyang mga magulang.

Pero habang lumalaki lumalabas ang tunay na ganda ng bata.

Samantala, ipinagmalaki ni Pauleen at anak sa kanyang message caption.

“So very proud of you, my firstborn! Watching you bloom and grow right before my eyes makes my mama heart so emotional.

“Whatever you choose to do in life, do it well and always do it with your humble heart. Know that we will always be behind you, cheering you on, and supporting you every step of the way we love you more than words can say.

“See you later at the @prosceniumtheater for the Limitless Concert”.

Bukod sa ganda taglay ni Tali ang magandang singing voice na namana rin nya sa kanyang Mommy at Daddy. (Rey Pumaloy)