WebClick Tracer

P14M puslit na yosi inabandona sa bangka sa Zamboanga City

Tinatayang P14 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo ang nasabat sa Barangay Campo Islam, Zamboanga City.

Ayon sa Police Regional Office-9, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng tip sa umano’y kahina-hinalang shipment sa Stanvac shoreline noong Martes ng madaling-araw.

Natagpuan ng mga awtoridad ang isang motorboat na umano’y ginamit sa pagdadala ng kontrabando, kasama ang mga abandonadong kahon ng sigarilyo.

Sa imbentaryo kasama ang Bureau of Customs (BOC), nakumpiska ang 94 master case at 36 ream ng sigarilyo.

Ipinasa sa BOC Port of Zamboanga ang mga nakumpiskang sigarilyo at motorboat para sa kaukulang proseso. (AM)