WebClick Tracer

OFW dinugo sa eroplano, agad isinugod sa ospital

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang isinugod sa ospital matapos makaranas ng pagdurugo ilang minuto bago lumapag ang eroplanong sinasakyan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Agad na rumesponde ang medical team ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) matapos humingi ng medical assistance ang crew ng Oman Air.

Nabatid na habang nasa ere ay nagsimula nang makaranas ng pagdurugo ang OFW. Pagdating ng eroplano sa Terminal 1, agad siyang sinalubong ng medical team.

Gayunman, dahil sa kanyang kondisyon, kinailangang dalhin agad siya sa ospital para sa karagdagang pagsusuri at lunas.

Ayon sa mga kapwa pasahero, dalawang buwan nang buntis ang OFW at posibleng nerbiyos o may iba pa itong karamdaman.