WebClick Tracer

Mosyon ni Cayetano ibinasura; Botohan sa voting threshold sa VP Sara impeachment tuloy

Hindi pinagbigyan ng Senate impeachment court ang kahilingan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ipagpaliban ang pagpapasya kung ilang boto ang kinakailangan para sa conviction o hatol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito’y matapos 13 senator-judges ang bumoto laban sa mosyon na ipagpaliban ang nakatakdang botohan sa threshold ngayong araw, Setyembre 23.

Anim na senador mula sa Senate minority grupo ang pumabor sa mosyon ni Cayetano habang isa naman ang nag-abstain – si Senador Mark Villar.

Matatandaan na inihayag ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero noong July 6 na kinakailangan ng 16 boto o 2/3 ng miyembro ng Senado para maghatol sa impeachment trial. (Dindo Matining)