WebClick Tracer

Mas kaunting senador kailangan para makalusot si VP Sara sa impeachment – Diokno

Sa pagbababa ng voting threshold na kailangan upang ma-convict si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial ay bumababa rin umano ang bilang ng mga senador na kailangan upang mabasura ang kaso.

Ayon kay House prosecutor at Akbayan party-list Rep. Jose Manuel Diokno, mali na isipin na ang prosekusyon lamang ang makikinabang sa pagbaba ng voting threshold.

“A change in the denominator should not be described as simply lowering the votes needed to convict,” sabi ni Diokno. “Why? Because the arithmetic moves in both directions.”

Ipinaliwanag niya na kung 24 na senador ang bibilangin, 16 na boto ang kailangan para sa two-thirds upang mag-convict habang siyam naman para mapigilan ito. Kung ibababa umano sa 20 ang bilang ng mga senador, ang kailangan para mag-convict ay 14 habang pito na lamang ang kailangan upang mapigilan ito.

“So a different denominator does not guarantee conviction. It changes the arithmetic on both sides. Parehong panig ang naaapektuhan ng bilang,” giit ni Diokno.

Sinabi ni Diokno na ang dapat na pagtuunan ng pansin ay kung sino ang dapat na bumoto at hindi kung ilan.

“That is why the constitutional issue should not be reduced to, ‘Binabaan ba ang boto para ma-convict?’” sabi ng solon.

“The more accurate question is, ‘Ilan ang constitutionally dapat bilangin?’” dagdag pa ni Diokno. “Once that denominator is constitutionally determined, the fraction operates upon it.” (Billy Begas)