Balik na sa normal na operasyon ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ngayong Miyerkoles, Setyembre 23.
Naging limitado ang operasyon ng tren simula bandang 4:00 ng hapon noong Martes, Setyembre 22.
Ito ay matapos umanong tamaan ng kidlat ang catenary wire malapit sa Antipolo Station.
Samantala, nagsimula naman ang unang biyahe mula at Recto kaninang 5:00 ng madaling-araw. (AM)


