Ibinahagi ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanyang pagdalo sa “Fostering the Future Together” luncheon kasama ang iba pang First Spouses na pinangunahan ni US First Lady Melania Trump.
Ginanap ito sa St. Regis Hotel sa New York nitong Setyembre 22.
Ani Marcos, anuman ang kanilang pinagmulan, iisang pag-asa ang nais nila para sa mga bata — ang mabigyan sila ng pagkakataong matuto, lumago at umunlad habang nananatiling ligtas at protektado sa digital world.
Nagpaabot din siya ng pasasalamat kay First Lady Melania sa pagtitipon para sa isang layunin na malapit sa puso ng bawat magulang.
“Here’s to building a safer, brighter and more hopeful future for all children – especially our young Filipino youth who have fallen victims to all these creepy websites,” pahayag niya. (IS)


