WebClick Tracer

Libreng chemotherapy alok sa mga pasyente sa Caloocan

May libre nang chemotherapy sessions o infusion therapy sa Caloocan City para sa mga residenteng nangangailangan ng cancer treatment, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at Prime Treatment Group.

Layunin ng programa na mabawasan ang gastusin ng mga pasyente sa kanilang gamutan, lalo na sa patuloy na chemotherapy sessions na maaaring maging malaking dagdag-pasanin sa pamilya.

Ang PTG Caloocan Chemotherapy Center ay bukas mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa 2nd Floor ng Ziti Center Caloocan.

Maaaring magtungo sa center ang mga interesadong benepisyaryo para sa requirements, proseso at iba pang detalye para makakuha ng libreng chemotherapy. (Cherk Balagtas)