WebClick Tracer

Kampo ni Digong humirit sa ICC na i-reject testimonya ng testigo

Hiniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na tanggihan ang naunang testimonya ng witness na si P-1100 bilang ebidensya sa kinakaharap niyang kaso.

“For the foregoing reasons, the Defence respectfully requests that the Trial Chamber REJECT the Prosecution’s Application on the basis that P-1100’s proposed evidence is not sufficiently relevant or probative of the matters in dispute in this case,” pahayag ng depensa sa dokumentng may petsang Setyembre 22.

Paliwanag nito, kulang sa personal na kaalaman ang witness sa mga isyung tinatalakay at hindi sapat ang kanyang testimonya upang maiugnay ang mga pagpatay bago at habang saklaw ng kaso.

Kinuwestiyon din nito ang kanyang kaalaman sa operasyon at command structure ng Davao Death Squad.

Una nang sinabi ng Prosecution na mahalaga ang testimonya sa mga alegasyon tungkol sa umano’y polisiya ng “neutralise” sa mga kriminal at sa pananagutan ni Duterte sa mga pagpatay.

Samantala, nakatakdang magsimula ang paglilitis sa kasong crimes against humanity kay Duterte sa ICC sa Nobyembre 30. (AM)