WebClick Tracer

Kamara pinagtibay resolusyon ng pakikiramay kay Rep. Gato

Filipina tennis star Alex Eala competing in the Singapore Tennis Open.

Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang isang resolusyon na nagbibigay-pugay sa yumaong si Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. na inilarawan bilang isang lider na nagbigay ng tinig sa kanyang lalawigan at nagdala ng pag-asa at mithiin ng kanyang mga kababayan.

Ang House Resolution 1470, na inihain nina Speaker Faustino Dy III, Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, at Minority Leader Marcelino Libanan, ay nagbibigay-pugay kay Gato, na isa umanong physician-lawmaker na nag-alay ng kanyang buhay, propesyon, at serbisyo publiko sa kanyang mga kapwa Ivatan habang isinusulong ang mga reporma sa healthcare para sa mga Pilipino.

“The passing of Honorable Ciriaco ‘Jun’ B. Gato Jr. is not merely a loss of a public servant, but a loss of a beloved son of the Province of Batanes who devoted his life, his profession, and his public service to the welfare of his fellow Ivatans,” sabi sa resolusyon.

“It is a loss of a leader who gave voice to his province and carried the hopes and aspirations of his people with him in his service to the nation, leaving behind a legacy of honor, perseverance, and resolute commitment that shall endure in the hearts and memories of those he faithfully served,” dagdag pa nito.

Nagsilbi si Gato bilang chairperson ng House Committee on Health at vice chairperson ng North Luzon Growth Quadrangle Committee, bukod sa pagiging miyembro ng ilang malalaking komite gaya ng Civil Service and Professional Regulation, Disaster Resilience, at Higher and Technical Education.

Kabilang sa mahahalagang panukala na isinulong ni Gato na naging batas ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) Act (Republic Act 12290) at RA 11472, na nagpalaki sa bed capacity ng CARAGA Regional Hospital sa Surigao City mula 150 hanggang 500 kama.

Bago pumasok sa serbisyo publiko, nakilala si Gato bilang isang otolaryngologist sa mga pampubliko at pribadong ospital at nagbigay ng serbisyong medikal sa mga taga-Batanes.

Nag-ugat sa Sabtang, Batanes, si Gato ay valedictorian sa elementarya at high school. Nakuha niya ang kanyang Bachelor of Science degree sa University of the East bago makamit ang kanyang Doctor of Medicine degree mula sa University of the Philippines College of Medicine.

Naulila sa kanyang pagpanaw ang kanyang asawang si Dr. Jade Oliva Soledad Bañez Gato at mga anak na sina Dr. Patricia Gato Suzaro at Atty. Georgina Mia Gato.

Bibigyan ng Kamara ng kopya ng resolusyon, na ipinasa sa sesyon noong Martes ng gabi, ang pamilya ni Gato. (Billy Begas)