Sobrang saya at kilig ang naramdaman ni Jericho Rosales sa nakaraang araw ng kanyang 47th birthday dahil sa sorpresa ng kanyang kasintahang si Janine Gutierrez.
Kakaiba ang importansiyang ibinigay ni Janine sa boyfriend na si Jericho nang arkilahin ng aktres ang buong ice skating rink sa isang malaking mall para sa kakaibang selebrasyon.
Nakuha naman ni Janine ang pulso ng happiness, excitement na gusto ni Jericho.
Mismong si Jericho ang nagbida sa kanyang IG post sa ginawang exclusive ni Janine ang Ice para lang sa kanila.
“I got the ice floor to my myself again for my birthday courtesy of the baba.”
Sa unang photo gallery magkasama selfie shot ang magkasintahan.
At sa mga sumunod na shot makikita na na ang kapatid ng babae ni Janine na si Maxine, ang pinsan niilang si Rikki Mae na anak nina Jackie Lou Blanco at yumaong Ricky Davao, at only child mismo ng aktor na si Santino.
Sa video tulak-tulak pa ni Jericho ang cart habang nakasakay si Santino na parang baby sa stroller.
Siyempre, sa huling photo makikita ang kaligayahan kina Janine at Echo na magkayakap habang magkadikit ang kanilang mga pisngi sa isa’t isa.
Sa araw ginawa ang Ice Skating celebration ni Jericho. At sa gabi ay sa isang resto bar ginanap ang big celebration kung saan naroon pa rin si Janine at ang kanilang mga piling friends.
May pa-smack kiss pa sa isa’t-isa ang dalawa at yakap ni Jericho kay Janine na hawak pa rin ang cake.
Mababasa sa comments ng mga kaibigan ni Jericho sa kanyang IG post, kung gaano ito ka-well loved sa industry. (Rey Pumaloy)


