Pumirma na ng kontrata ang aktor na si Jake Vargas sa bago niyang talent agency, na pagmamay-ari ni Maja Salvador. Tanong tuloy ng netizen: Bakit siya lumipat?
Nitong Setyembre 22, nag-post si Jake sa Instagram ng nangyaring pirmahan at photo-op sa Crown Artist Management (CAM), na si Maja ang founder at ang kanyang mister na si Rambo Nuñez ang CEO.
Simpleng “thank you” na naka-tag ang naturang talent agency ang naging caption ng aktor.
Matapos nga ang contract signing ay nagpakuha na sila ng lirato nina Maja.
May mga nag-congratulate, nag-welcome at nagsabi ng good luck kay Jake sa bago nitong handler.
Say ng ilang netizen:
“Hala grabe talagang pinapakawalan na Ng @sparklegmaartistcenter huhuhu nakakalungkot Naman @annettegozonvaldes,” anang nagkomento sa post na iyon.
“Ang daming Sparkle stars na loyal tapos Hindi na na renew. Sad lang. Tapos may mga Pinapirma na mga bago pero walang projects. Sad lang for Jake Vargas,” say pa ng isa.
Well, affiliated naman ang CAM sa Sparkle. At isa pa, ang kanyang longtime partner na si Inah de Belen ay nauna nang pumirma sa CAM.
Kaya ngayon, nasa iisang bubong na rin sila ng talent agency. (Jun Lopez)


