WebClick Tracer

Jake Ejercito kumpleto pamilya sa birthday ng inang si Laarni Enriquez

Ibinahagi ng aktor na si Jake Ejercito ang ilang larawan mula sa kanilang family gathering para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ina, ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

Makikita sa mga larawan ang masayang pagsasama ng kanilang pamilya, kabilang na ang kanyang amang si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Present din sa okasyon si Ellie, ang anak ni Jake sa aktres na si Andi Eigenmann.

“Complete for mom’s birthday,” sabi ni Jake sa caption ng kanyang Facebook post nitong September 23. (IS)