Pinuna ng ilang netizen si Rovelyn Baterbonia, ina ng yumaong student-athlete na si Rene Baterbonia, kaugnay ng umano’y P25,000 talent fee nang imbitahan siya sa isang event.
Sa isang kumakalat na mensahe online, iniimbitahan si Rovelyn sa isang event sa paaralan sa susunod na buwan dahil marami umanong estudyante ang nakikita siya bilang inspirasyon.
“Pwede po ba kayo ma-invite for our event po sa school? Many of the students here see you as an inspiration po. If free lang po kayo by next month pa naman po. Update ko po kayo sa exact date siguro bukas. Thank you Ma’am!” sabi sa mensahe.
“25k Ang tf ko po,” sagot naman ni Rovelyn.
“Donation po Yan sa anak ko,” dagdag niya.
Samantala, itinanggi naman ni Rovelyn na kanya ang account na nakausap para sa imbitasyon.
“Hindi po Yan akin account mga basher lang Walang magawa sa Buhay kondi kmi na pagtrepan,” sabi niya sa isang Facebook post. (AC)


