WebClick Tracer

Heart Evangelista mapangahas, nag-topless sa denim brand

Hot, spicy and daring ang fashionista at aktres na si Heart Evangelista sa latest commercial shoot niya para sa isang denim brand. Nag-topless siya rito at braso, luxury bag lang ang takip sa kanyang mga dibdib.

Sa ad campaign din na iyon ay na-focus din ang maliliit niyang tattoo sa katawan.

“Running hot @diesel,” caption dito ni Heart sa kanyang post sa Instagram nitong Setyembre 22.

Nariyang kurtina lang ang ipinantakip niya sa kanyang pang-itaas. May pose din siya na braso lang niya ang nakatakip sa kanyang dibdib. Habang nakaupo naman siya at topless pa rin, isang luxury bag naman ang kanyang ipinang-cover sa kanyang boobs.

Hindi tuloy maiwasang magulat ang mga netizen sa daring na post niyang iyon.

“It’s getting hot in here… literally and figuratively.”

“Grabeeeeeeeeee [flames emoji].”

“Too hot to handle!”

“Effortlessly bold, effortlessly iconic!”

“A Sexy Star and a Fashion Superstar trapped in one Body.. Bringing Elegance and Style!!! Yassss!!!!” (Jun Lopez)