Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang pagkakataon na usisain sina JM Ibarra at Fyang Smith sa tunay nilang sitwasyon.
Sa episode ng ‘Gandang Gabi Vice’ nitong Linggo (Sept. 20), deretsahang tinanong ni Vice ang dalawa kung magjowa na ba sila.
Eh, tila nagpabebe pa si Fyang na hindi makasagot at patawa-tawa lang sa tanong hanggang sa humirit si Vice nang…
“‘Yung artehan mo parang ang sikip-sikip!” na ikinahalakhak ng lahat.
Pero matapos ang pangcha-charot sa dalawa, sinagot naman nina Fyang at JM ang tanong tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila.
“Hindi pa. I mean hindi namin siya minamadali kasi kung pupunta rin kami roon, gusto muna namin i-enjoy ang journey namin nang magkasama,” saad ni Fyang.
Tugon naman ni JM, “Basta ako, gusto ko siya. Ilang beses ko na rin namang sinabi.”
Inamin din ni Fyang na in love rin naman siya kay JM.
“Nasa kanya na kasi ang hinahanap ko sa isang lalaki,” tila kinikilig na chika nga ni Fyang.
At nakakaloka, dahil sinabayan pa ni Vice Ganda nang chika na, “Sabi ni Fyang, ‘mukhang daks meme?’”
Naku bentang-benta at sobrang nakakakilig ang guesting ng JMFyang sa ‘GGV’, huh! Sa totoo lang, parang baklang-bakla nga si Fyang sa harap ni JM, ha!
Kaloka ang usapan nila! (Dondon Sermino)


