WebClick Tracer

Flash flood sa Taytay, Rizal rumagasa; sasakyan tinangay ng malakas na agos

Rumagasang flash flood sa Golden City, Taytay, Rizal kung saan tinangay ng malakas na agos ang isang sasakyan.

Ilang minuto lamang ang lumipas, binaha na ang Golden City sa Taytay, Rizal matapos ang malakas na buhos ng ulan noong Martes.

Sa video, makikita ang isang sasakyang tinangay ng malakas na agos ng baha, matapos hindi agad mailikas sa lugar.

Pati iba pang mga sasakyan, nalubog sa mabilis na pagtaas ng tubig, na ayon sa mga residente ay nangyari dakong alas-3:30 ng hapon.

Ayon sa mga nakatira rito, mabilis at hindi inaasahan ang pagtaas ng tubig, kaya hindi na agad nakapaghanda ang ilang motorista at residente.

Mas palaisipan umano sa kanila ang dami ng tubig na biglang rumagasa.

Kakaiba raw ang baha dahil hindi nila matukoy kung saan nanggaling ang malaking volume ng tubig, lalo’t pataas ang lugar ng Golden City mula sa highway at malaki rin ang kanal na labasan ng tubig.

Dahil dito, muling nabuhay ang panawagan ng mga residente para sa mas malinaw at pangmatagalang solusyon sa problema ng pagbaha sa Rizal.

Kasabay nito, muling nabanggit ang umano’y flood-control masterplan para sa lalawigan na sinasabing matagal nang pinag-uusapan, ngunit hindi pa rin lubusang naisasakatuparan.

May mga residenteng nag-uugnay rin sa biglaang pagbaha sa mga quarry operation sa highland ng Taytay, Angono at mga karatig-bundok.

Gayunman, kailangan pa itong mapatunayan sa pamamagitan ng teknikal na pagsusuri sa daloy ng tubig, drainage system at epekto ng mga aktibidad sa kabundukan.

Sa ngayon, ang malinaw sa mga residente…

Ilang minuto lamang ang pagitan mula sa normal na sitwasyon hanggang sa rumagasang baha at isang sasakyan ang tuluyang inanod ng malakas na agos. (Ronilo Dagos)