Wala pa sa Office of the President (OP) ang enrolled bill na nagpapahaba sa termino ng barangay at sangguniang kabataan officials mula apat hanggang limang taon.
Sa maiksing ambush interview kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkoles ng umaga, sinabi nitong wala pa sa kanya ang enrolled bill na naipasa ng Kongreso.
Naghihintay ang mga opisyal ng barangay at sangguniang kabataan kung kakatigan ng Presidente ang pagpapalawig sa panunungkulan ng mga ito batay sa ipinasang panukalang batas ng Kongreso.
Inamiyendahan ng mga mambabatas ang Republic Act No. 12232, na nag-e-extend sa termino ng mga barangay at SK officials ng hanggang limang taon.
Batay sa orihinal na schedule, nakatakda sa Nobyembre 2, 2026 ang Barangay at SK Elections (BSKE), at kung pipirmahan ng Pangulo ang bagong batas, ito ay gagawin sa Nobyembre 2028. (Aileen Taliping)


