Naghandog ang Enchanted Kingdom ng espesyal na selebrasyon para sa mga lolo at lola kasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa ginanap na “Fiesta ng Pagmamahal: A Grandparents Celebration” noong Setyembre 12 at 13.
Tampok sa dalawang araw na selebrasyon ang iba’t ibang entertainment, espesyal na treats at quality family bonding para sa mga pamilya.
Bahagi ito ng Love Saribuhay campaign ng Enchanted Kingdom ngayong quarter na nagbibigay-pansin sa yaman ng biodiversity ng Pilipinas at sa Filipino values tulad ng pagmamahal, respeto, katapatan, pagkakaisa at pagpapahalaga sa pamilya.
Itinampok din sa okasyon ang mahalagang papel ng mga lolo at lola bilang gabay at sandigan ng pamilya na tumutulong sa pagpapatibay ng ugnayan ng bawat henerasyon.
Bukod sa mahigit 30 rides at attractions ng kauna-unahan at tanging world-class na theme park sa Pilipinas, nagkaroon din ng movie screenings sa Eldar’s Theater.
Tampok dito ang mga pelikulang “Unforgettable,” “Miss Granny” at “Hating Kapatid” ng Viva Films.
Nagkaroon din ng libreng wellness services para sa mga lolo at lola, kabilang ang hair care, head and shoulder massage at scalp treatment.
Nagbigay rin ng libreng medical at health consultations ang Enchanted Kingdom katuwang ang Unihealth – Sta. Rosa Hospital and Medical Center, Inc.
Magpapatuloy ang pagdiriwang ng Philippine biodiversity sa Enchanted Kingdom habang papalapit ang ika-31 anibersaryo nito, kabilang ang mga bagong event at offering sa Fiesta ng Saribuhay ngayong Oktubre.


