WebClick Tracer

Diokno: Trabaho ng prosekusyon hindi dumali sa mas mababang pagbabatayan ng conviction threshold

Hindi umano dumali ang trabaho ng House prosecution panel sa naging desisyon ng Senate impeachment court na maaaring magpababa sa magiging basehan ng two-thirds conviction threshold, ayon kay House prosecutor at Akbayan party-list Rep. Jose Manuel Diokno.

“It never gets easier,” sabi ni Diokno sa isang press conference nitong Miyerkoles.

“Dati nabanggit ko na rin ito, ’yung trabaho ng prosecution at ’yung mismong pinakamalaking hamon sa amin ay magtayo ng bahay ng ebidensya,” dagdag pa nito. “In a way, mas madali na ang trabaho ng defense dahil ang nais lang nila ay sirain ang bahay.”

Iginiit ni Diokno na nananatiling pareho ang evidentiary burden ng prosekusyon anuman ang bilang ng pagbabatayan ng threshold na kakailanganin para ma-convict si Duterte.

“So that challenge is the same with whatever numbers are needed,” sabi ni Diokno. “Kaya para sa amin, ’yun ang focus namin, concentration namin, na talagang mag-present ng pinakamaayos at pinaka-solid na evidence.”

Sa oral argument nitong Miyerkoles, iginiit ni Diokno na ang pagbabago sa denominator o kung saan ibabase ang threshold ay makaaapekto sa magkabilang panig.

“A change in the denominator should not be described as simply lowering the votes needed to convict,” sabi ni Diokno. “Why? Because the arithmetic moves in both directions.”

Ipinaliwanag ni Diokno na kung 24 na senador ang bibilangin, 16 na boto ang kailangan para ma-convict habang siyam naman ang kailangan upang mapigilan ito.

Kung bababa sa 20 ang pagbabatayan ng threshold, 14 na boto ang kakailanganin para sa conviction, ngunit pito na lamang ang kailangan para mapigilan ito.

“So a different denominator does not guarantee conviction. It changes the arithmetic on both sides. Parehong panig ang naaapektuhan ng bilang,” dagdag pa ni Diokno. (Billy Begas)