Dedesisyunan umano ni Pangulong Bongbong Marcos sa susunod na linggo kung babawasan o susupendehin ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa gitna ng nararanasang krisis sa enerhiya.
Ito ang kinumpirma ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairman at Bataan Rep. Albert Garcia na siyang nag-sponsor sa P10.156 bilyong budget ng Office of the President sa susunod na taon.
“The recommendation of Department of Finance probably reach th Office of the President within this week and most likely we have an announcement early next week,” sagot ni Garcia nang tanungin ni Gabriela party-list Rep. Sarah Elago kung kailan aaksyunan ng pangulo ang panawagan ng publiko na susupendehin ang excise tax.
Ayon kay Elago, mahigit $100 na ang bawat bariles ng langis sa Dubai Oil na lagpas na aniya sa $80 na siyang batayan na nakasaad sa Republic Act (RA) 12316 para suspendehin o bawasan ang excise tax sa langis.
Sinabi ng mambabatas na nakapagsumite na ang Department of Energy (DOE) ng rekomendasyon sa mga economic managers ng pangulo noon pang September 15, 2026 na bawasan o kaya suspendihin ang nasabing buwis subalit hanggang ngayon ay hindi pa inaaksyunan ito ng Office of the President gayung hirap na hirap na ang mga sektor na apektado sa oil price increase.
Subalit ayon kay Garcia, maraming ginagawa ang OP para tulungan ang mga sektor na apektado sa krisis sa enerhiya habang inaantay pa ang rekomendasyon ng DOF ukol sa nasabing buwis.
“Madame Speaker marami din pong ginagawang tulong ang Office of the President sa mga critical sector na naapektuhan nitong krisis sa enerhiya, mga magsasaka, fisherfolks, transport group ang most vulnerable communities,” ani Garcia.
Subalit ayon kay Elago ay dapat bilisan ang pagpapalabas ng desisyon dahil tatlong linggo na aniya ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at kung maaari aniya ay hindi lamang ang excise tax ang suspendehin kundi ang value added tax (VAT).
“Ang pagsususpendi sa excise tax ay welcome ngunit hindi pa rin sapat na hakbang sa ngayon. Hindi nito tinutugunan nito tinutugunan ang ugat ng krisis. Kapag tumaas ang bumababa ang kita ng mga driver, hindi makapagtanim ang mga magsasaka, hindi makapamalakay ang mga mangingisda o wala na talaga silang kita habang tumataas ng presyo ng mga prokdukto sa mga pamilihan. (Bernard Taguinod)


