WebClick Tracer

Coco Martin, Julia Montes inspirasyon ng mga batang artista

Former Solicitor General Florin Hilbay discussing the principled interpretation of the Constitution.

Grabe talaga ang suporta nina Coco Martin at Julia Montes sa mga kasama nila sa trabaho. Aba, hindi lang ang mga beteranong artista ang ibinibida nila sa serye nilang ‘Coco Martin’s Sigabo’ kundi pati na rin ang mga rising child star na todo-bigay sa kanilang galing sa pag-arte.

Nabigyan nga ng spotlight sa serye ang ilang mga child star tulad nina Kulot Caponpon, Abatar Dacdac, Jr., at John Nathaniel Ontua, na hindi nagpahuli sa kanilang mga nakakabilib na aktingan mapa-kulitan man o iyakan na eksena. Ipinakita talaga nila na may ibubuga sila, ha!

Sa exclusive interview ng CCM Film Productions, may ibinahagi ngang solid na payo si Julia kay Kulot tungkol sa pagiging mahusay na aktres na sure ball nga na makakapag-inspire rin sa ibang mga bagets na artista.

“Basta mahalin mo ‘yung trabaho mo. Tapos siyempre, makikinig ka sa mga direktor, sa mga veteran actor, lahat ng mga tip na ikinukuwento nila. ‘Yung kuwento ng buhay nila, pakikinggan mo lagi ‘yun kasi marami kayong matututunan,” sabi nga ni Julia.

At sabi naman ni Coco, satisfied rin talaga siya bilang aktor at direktor dahil kitang-kita niyang todo-bigay sa trabaho ang bawat artista at buong team para mapaganda ang serye, mapa-bata man ito o matanda.

“Happy naman ako kasi nagagawa naman natin ng maayos ‘yung trabaho natin kaya sini-share ko ‘yung blessing ko sa ating lahat,” sey pa ni Coco.

Anyway, marami pa ngang mga relatable na eksena sa serye, kung saan maibibida talaga ang galing sa aktingan ng mga bagets na dapat abangan ng viewers. Siyempre, abangers din ang mga faney sa sandamakmak pa na kasiyahan, inspirasyon, aksyon, at kilig na ihahatid ng CocoJul, ha!

At yes, dahil sa nakikita nilang professionalism ng CocoJul, aminado nga ang mga bagets na ang dalawa ang inspirasyon nila.

Bongga! (Dondon Sermino)