Ikinatuwa ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang resulta ng botohan sa impeachment court, kung saan kukunin ang two-thirds votes sa bilang ng mga senador na regular na dumadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“Akbayan Rep. Chel Diokno said it best: 2/3 remains 2/3. The Constitutional Rule has not changed. Lowering the threshold is very much consistent with the Constitution’s principle of accountability,” ani Cendaña.
Sa mosyon ni Senator-Judge Erwin Tulfo na idinaan sa botohan, nabaliktad ang unang ruling ni presiding officer Francis “Chiz” Escudero na 16 o katumbas ng 2/3 ng kabuuang bilang ng Senador 24.
Sa botong 13 pabor sa motion, 6 ang kontra dahil hindi sumali sa botohan at isa ang nag-abstain, kukunin ang 2/3 sa bilang ng mga senador na regular na dumadalo sa impeachment trial na sa ngayon ay 24 na lamang dahil nakakulong sina Sens. Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta habang nagtatago si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at nasa ibang bansa naman si Sen. Loren Legarda.
“Hindi puwedeng bumoto ang mga nagtatago sa batas, ang mga nakakulong, at ang mga hindi naman nakilahok sa proseso. Accountability cannot be held hostage by absentee votes,” pahayag ni Cendaña. (Bernard Taguinod)


