WebClick Tracer

Cayetano, 5 pang miyembro boykot sa botohan sa voting threshold

Binaligtad ng mga senator-judge ang naunang ruling ni President Officer Francis “Chiz” Escudero sa 2/3 o 16 voting threshold para impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

13 senador pumabor at isa ang tumutol para baguhin ang batayan ng voting threshold para conviction o acquittal ni Duterte sa ilalim ng Rule 22 ng Senate impeachment rules.

Ang mga pumabor ay sina Sens. Juan Miguel Zubiri, Vicente Sotto III, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, JV Ejercito, Bam Aquino at Lito Lapid.

Ang iba pa ay sina Kiko Pangilinan, magkapatid na Erwin at Raffy Tulfo, Ping Lacson, Joel Villanueva at Mark Villar ng minority bloc.

Nag-no vote naman si Escudero.

Hindi naman sumali sa botohan ang anim na miyembro ng minority group na sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Christopher “Bong” Go, Imee Marcos, Camille Villar at Robinhood Padilla.

Sabi ni Escudero, 2/3 voting threshold ay tumutukoy sa lahat ng kasapi ng Senado na sa panahon ng botohan ay nananatiling legal at may kakayahang makalahok sa impeachment proceedings.

Hindi naman kasama sa botohan ang mga senator-judge na nakakulong o suspendido; mga nagtatago o hindi malaman kung nasaan; physical o medical incapacity o mga maysakit; hindi sakop ng hurisdiksyon ng Senado; at iba pang kaparehong sitwasyon. (Dindo Matining)