WebClick Tracer

Carlos Agassi niregaluhan ng kotse misis na si Sarina

Binilhan ng bagong kotse ng aktor na si Carlos Agassi ang kanyang misis na si Sarina Yamamoto. Ito ay sa gitna ng isyu na tila yumanig sa kanilang relasyon.

Nitong Setyembre 22, sa kanilang social media post ay makikitang niregaluhan ni Carlos ang kanyang misis ng isang pulang kotse.

“Best husband ever! [heart emoji]. Thank you po LORD sa blessings! And thank you my LOVE for buying me my DREAM CAR!” caption dito ni Sarina.

“Para sa pinakamamahal ko, together we will make our dreams come true. I love you so much!” nakasulat pa sa maikling letter na bigay ni Carlos sa kanyang misis.

Kamakailan ay pinatulan ni Carlos ang isang blind item ni Shanaia Gomez, na mayroon umanong isang celebrity noon na nangulit sa kanya upang maka-hook up ito kahit na 14-anyos pa lamang siya. May initials itong binigay, na “C.A.” at marami ang nagsabing si Carlos raw ito.

Mariin namang pinabulaanan ng aktor na siya ang tinutukoy sa nasabing revelation ni Shanaia. Sunod-sunod na rin ang naging patama nilang mag-asawa kay Shanaia matapos nitong ilabas ang blind item na iyon.

“Meant to be together forever all in GOD’s time. Thank you po LORdD for bkedsing me with this life & wife. Sa lahat ng inggit na cloutchaser walang talent na mas pangit i pray for your happiness & contentment & good health in life,” post pa ni Carlos.

“Wag natin kalimutan pansinin yung inggit na clout chaser para hindi na makapanira pa ng ibang relasyon. Tulong ko na sa kanya. Kawawa naman,” say pa ng aktor.

“Sa halip na paghiwalayin lalo pang tumibay,” ayon naman sa isang post ni Sarina. (Jun Lopez)