Ginawaran ng Doctor of Humanities, Honoris Causa si Cardinal Pablo Virgilio David, Obispo ng Kalookan, ng De La Salle Araneta University (DLSAU).
Ito ay bilang pagkilala umano sa kanyang ambag sa biblical scholarship, pastoral leadership, social justice, at pagtataguyod ng dignidad ng tao.
Iginawad ang honorary doctorate noong Setyembre 19 sa Philippine International Convention Center, bilang bahagi ng 2026 Commencement Exercises ng unibersidad.
Ayon sa DLSAU, kinilala si Cardinal David sa kanyang paglilingkod sa Simbahan at lipunan, pagsusulong ng edukasyon at faith formation, at pagtulong sa mga marginalized community. (AM)


