WebClick Tracer

Camille Villar pinutakte ng netizens matapos maging emosyonal sa impeachment trial

Na-bash si Sen. Camille Villar matapos niyang maging emosyonal sa interjection sa impeachment trial nitong Miyerkoles, Setyembre 23.

Nanawagan si Villar ng respeto para sa mga senador na nakakulong at hindi nakadalo sa impeachment trial.

Kaugnay ito ng usapin sa bilang ng boto para ma-convict sa impeachment case si Vice President Sara Duterte.

Ani Villar, hindi makatarungan na sabihing nagkasala sa plunder ang mga nakakulong na senador dahil wala pang nahatulan sa mga iyon o napatunayang nagkasala.

“Konting respeto naman kasi lahat naman ng wala dito, hindi naman sila napatunayan na maysala, hindi sila plunderer, hindi sila magnanakaw, hindi sila napatunayan na gano’n,” pahayag niya.

Matapos ang kanyang pahayag, ilang netizens ang nagkomento sa pagiging emosyonal ng senadora at inihambing ito sa isyu ng PrimeWater.

Sabi ng isang netizen, “Mas malakas pa yung patak ng luha ni Camille kesa sa PrimeWater.”

Komento naman ng isa, “Wahh mas clear pa ung tears ni Camille kesa sa PrimeWater.”

“Grabe. Malakas pa ang agos ng luha ni Camille kesa sa primewater,” saad naman ng isa pa.

Nitong Miyerkoles, nagdesisyon ang Senate impeachment court na bawasan ang bilang ng boto na kailangan para ma-convict si Vice President Duterte sa impeachment case.

Nabaligtad ang naunang ruling ni Presiding Officer Francis Escudero noong Hulyo 6 na nagtakda ng 16 na boto na kailangan para sa conviction. (IS)