Binasag agad ng mga solid ni BINI Aiah ang pagkaladkad ng pangalan ng singer kay Kyle Echarri.
Ito’y matapos palabasin sa isang post na magkasama diumano ang dalawa sa renovation ng condo unit ng aktor.
Isang tila nag-delulu na netizen ang nagposte ng larawan ni Kyle at Kyle sa kanyang Threads, na nasa isang ipinapagawa o ipinapa-renovate na condo unit sa magkahiwalay na frame.
May malisya ang pagbanggit ng pangalan ni Aiah na parang pinalalabas na may namamagitan sa kanila ni Kyle, gayong hindi magkasama sa iisang larawan ang dalawa.
Pero mabilis na umaksyon ang mga supporters ni Aiah, na naglabas ng larawan ang ilan na nagpapakita ng post ng lalakeng gumagawa ng condo ni Kyle at petsa naman ng photo ni Aiah sa sarili nitong condo.
“Sobra ka naman sa pagka delulu ala na sa lugar masyadong mababa tingin mo kay Aiah. Eto pic oh yung nagre-renovate ng condo ni Kyle sept. yung post ni Aiah June pa yun. Mag antay ka na lang ng bagong update kesa gawagawa ka ng kuwento.
“Sakit na yan teh! Na para bang sure na sure kang condo yan ni K. Lahat na lang kino-connect mong weirdo ka.”
“Fyi, may new condo rin si Aiah na under renovation”.
May ibang naniniwala sa post at tinawag ng kung anu-anong masasamang salita kay Aiah.
llan naman ang nagsabing kung anuman meron ang dalawa, suportado nila ito.
“If the rumor is true ano naman? Ask long as both single why not pero kung wala edi wala kung meron edi meron so bakit big deal sya?”
“So what if totoo? Why bothered? Di nga bothered pamilya ni Aiah..my gaaad. Akyat ka bundok.”
Walang reaksyon mula kina Aiah at Kyle. Mukhang hindi nila gustong patulan ang isyu. (Rey Pumaloy)


