WebClick Tracer

Bilang ng boto para ma-convict si VP Sara binabaan

Nagdesisyon ang Senate impeachment court na bawasan ang bilang ng boto na kailangan para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa impeachment case.

Sa botohan, 13 senator-judges ang pabor sa apela ni Senator-Judge Erwin Tulfo, habang isa lamang ang kumontra.

Nabaligtad ang naunang ruling ni Presiding Officer Francis Escudero noong Hulyo 6 na nagtakda ng 16 na boto na kailangan para sa conviction.

Hindi nakilahok sa botohan ang anim na senator-judges na sina Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Bong Go, Imee Marcos, Robin Padilla at Camille Villar.

Si Escudero ang nag-iisang bumoto laban sa apela dahil siya mismo ang naglabas ng naunang ruling na kinuwestiyon ni Tulfo. (IS)