Madalang na makita ng publiko ang husband ni Bea Alonzo na si Mr. Vincent Co. Kaya naman sa ‘Puregold Hakot Relay’ na ginanap sa Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite kamakailan ay inabangan talaga siya ng showbiz press, at pati na ng mga participants.
Hindi naman nabigo ang lahat ng dumalo sa naturang event, dahil si Mr. Co nga ang nangunang tumakbo, at nakasama niya ang mahigit na apat na libong runner.
Ang Southern Luzon leg na ito ng Hakot Relay ay simula nga ng Puregold’s first ever 8K individual challenge. At bongga nga dahil mahigit 500 na mga runner ang sumali sa kategoryang ito.
Ang Hakot Relay kasi ay isang team event, habang ang 8K naman ay individual race.
At base na rin sa title na ‘hakot’, habang tumatakbo nga ang mga runner ay kailangan nilang humakot ng iba’t ibang grocery item na maiuuwi nga nila.
“We wanted to offer runners a fresh and enjoyable way to challenge themselves, with the hakot mechanic, adding playful and uniquely Puregold twist to the race. Being part of the running community is meaningful to us, and it is a privilege for Puregold to bring people together for a shared panalo experience,” sabi ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Puregold Senior Marketing Manager.
Nakakaloka ngang makita ang iba na may hakot-hakot na washing machine, na may mga laman ngang shampoo, noodles, at iba’t ibang biscuits, sabon, ha!
“We’re always looking for ways to level up the Hakot Relay and give Filipinos something new to look forward,” dugtong pa ni Mrs. Piedad.
Well, dahil kasal na nga sina Vincent at Bea, marami ang nagtatanong, kailan naman kaya makikita si Bea na tumatakbo na kasama ang mister niya sa ganitong event?
Abangan! (Dondon Sermino)


