WebClick Tracer

Banga school shooter hindi na-bully o nambully – DILG chief

DILG Secretary Jonvic Remulla speaking during a press briefing regarding the Banga National High School shooting incident

Hindi umano biktima ng pambu-bully o nambully ang shooter sa Banga National High School sa South Cotabato, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.

Sa isang panayam sa gilid ng budget deliberations sa Kamara de Representantes nitong Martes, sinabi ni Remulla na nagbago ang lahat nang maengganyo ang shooter na si Lucky na pumunta sa dark web.

“It’s a very sad story. Yung kid si Lucky, honor student, aspiring to be a doctor, had a girlfriend, barkada, never been bullied, never was a bully,” sabi ni Remulla.

“He just went into the deep dark web and na-influence siya ng isang sidious group and then he turned to satanism and glorification of mass murder,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Remulla na sinubukan ng mga magulang ng shooter na tulungan si Lucky at dinala ito sa isang psychologist noong Abril ng mapansin nila ang pagbabago sa kanya.

“But the parents did everything correctly ha. Nung April….. dinala siya sa psychologist. Kumalma siya and he said that he will never talk to that group again,” sabi ni Remulla.

“But it never skipped his mind, it kept on pestering him. Parang siyang ano eh, parang na-possess, na-groom na hindi na mawala sa utak nya,” dagdag pa ng kalihim.

Sinabi ni Remulla na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ang mga magulang ng shooter.

Noong Setyembre 18, namaril ang 16-anyos na estudyante sa Banga National High School na ikinamatay ng dalawa nitong kaklase at ikinasugat ng iba pa bago kitilin ang sarili nitong buhay. (Billy Begas)